Ang ikrasyu.net ay isang blog kung saan makakapagpost ang kahit na sino ng kahit na ano tungkol sa kanilang mga crush nang hindi nagpapakilala. Yun na siguro ang kaisa-isang pangungusap na lalagom sa kung anu ba talaga ang blog na ito. Pero dahil marami pang space sa ibaba e magsusulat na lang ako hanggang sa maubos ang mga salita.
Ginawa ang blog na ito unang-una para sa mga blogger na may crush na ibang blogger, dahil hindi ka basta-basta makakapagpost sa iyong sariling blog tungkol sa taong nagpapatibok ng puso mo dahil isa lang sa mga ito ang kahihinatnan nun: ang hindi niya mabasa magpakailanman ang iyong sinulat, ang mabasa niya pero hindi niya alam na para sa kanya pala iyon kaya mababalewala lang ang sinulat mo, ang mabasa niya at mahalata niyang siya ang tinutukoy mo at mula nuon ay iiwasan/babalewalain ka na niya dahil ayaw niya sa iyo, o ang mabasa niya at mahalata niya na siya ang tinutukoy mo at mula nuon ay magiging close na kayo dahil may gusto rin pala siya sa iyo.
Kumpara mo naman iyan kung dito sa ikrasyu.net ka magpopost tungkol sa crush mo, na dapat ay papangalanan mo sa mga posts na gagawin mo. Hindi niya mababasa ang post mo, o mababasa niya ang post mo at malalaman niyang siya yun pero hindi naman niya alam kung sino ang nagsulat.
Ikaw na lang ang mamili kung saan mo mas gusto. Pero kung ako e magpapaka-secret admirer na lang ako, at least alam kong matutuwa yung crush ko kapag nalaman niyang may nagkakagusto sa kanya. Kaysa naman patula-tula lang ako sa tabi e hindi naman niya nababasa. Nasa iyo na yun kung gusto mong maging secret admirer habambuhay.
Ginawa ang blog na ito para pag-isipin ang mga crush natin, dahil kung magpopost ka lang sa iyong blog ng isang malabong entry tungkol kamo sa isang taong ayaw mo namang pangalanan na gustong-gusto mo ‘tas mababasa niya iyon nang hindi nalalaman na siya pala yun, malamang balewalain niya iyon dahil pakialam naman niya kung sino ang crush mo?
Ikaw ba kung may nagsulat tungkol sa iyo na may crush sa iyo, edi siyempre mapapaisip ka kung sino kaya yun ‘di ba?
Ginawa rin ang blog na ito para sa mga vain sa sarili. Kung alam mong maraming nagkakagusto sa iyo, o kahit konti lang basta meron, pero alam mo namang hindi nila iyon masasabi nang harapan. Edi lagi mong sabihin na sana may magpost sa iyo dito sa ikrasyu.net! I-promote mo lagi ang blog na ito hanggang sa mapwersa ang mga may gusto sa ito, kung meron man, na magsulat tungkol sa iyo. Masaya yun di ba?
At higit sa lahat, ginawa ang blog na ito para sa mga mahilig sa love stories, sa mga matatamis na mga salita, so over-exaggerated expressions of love, sa pagsungkit ng mga bituin, sa pagtawid ng pitong bundok at pitong karagatan, sa pagtitig sa mga mata, sa pagngiti sabay kislap ng mga mata, at sa kung anu-ano pang kakornihan at kajologan, at samu’t saring pambobola na masasabi’t maiisip ng mga taong tuliro, humahanga at nagkakakras.
Ano, gusto mo na ba magpost dito? Narito ang mga detalye sa pagsali.














