Mic test. Mic test
Teka teka. Anong ginagawa ko dito? Bakit andito ako? Naliligaw ba ako…weyt a minit!! *tooogsh* ayan. Alam ko na kung bakit. Pasensya naman hahahaha. Aligaga pa eh hahaha. Hindi naman kasi ako sinuplays ng may-ari ng site na ito na ako daw ang unang magshe-share tungkol sa….tungkol nga saan ulet?? Hala nalimutan ko. Wait lang.
Ah. Tungkol daw sa kras. Ano kamo? Kras? Anu un? Nakakain ba yan? Anu lasa? Masarap ba???
Wala. Ang corny ng pasimula ko. Pasensya ulit.
Crush. At di lang daw basta crush lang. online kras daw. Teka…hmmmmm…may crush ba ako dito sa mundo ng www?? Mukhang mahirap ata magkaron ng kras ah. Tas blogger pa? naku naman. Ayaw naman ako pahirapan ng may-ari nitong site ano? Shyness ako eh. Hehehehe.
Pero sige na nga. Ako pa naman yung unang inimbitahan dito. Makatatanggi pa ba ako? Lakas ata sakin ng may-ari nitong ikrasyu.net. Hehehe. Opo. Meron naman akong kras na blogger kahit papaano. Hehehehe.
Halos mag-iisang taon na din mula nung na-kilala ko siya sa blogworld. Wala lang. bloghopping lang nun. Pampam days nun eh. Naghahanap ako ng bagong ka-ex links. Nagpost ako sa shoutmix niya. At laking gulat ko, pati siya bumisita sa blog ko. Ayun. Friends na kami. hahaha
May something in common saming dalawa kaya nagkaron kami ng pagkakataon na maging close sa isa’t isa. Very accommodating naman itong tao na to, at hindi siya tulad ng iba na pag inadd mo sa YM, iignore ka. Siya hindi. Masaya naman niya ako inadd at kinausap sa YM. Ewan ko lang kung napilitan lang siya pero ganun pa man. Salamat padin
Masaya. Makulit kausap. Bangenge kachat kung minsan. Aun. Asan? Hahaha. May times na puro hahahaha at hehehehe na lang yung tina-type namin. Wala mapagusapan minsan.
Nakakatxt ko din pala siya, pero di ganun kadalas. Magrereply lang yan kung halimbawa may tanong ako tungkol sa medical topics and issues. Palibhasa med student. Sinusulit ko talaga ang pagkakataon na magtanong habang di pa talaga siya MD, wala pang PF kasi hehehehe.
Ayun. Gaya nga ng sabi ko. Med student siya. Kaya minsan puro tungkol sa mga sakit, gamot at kung anu ano tungkol sa medicine ang napaguusapan namin. Parehas kasi kami na nasa medical field. Wala lang. nakakatuwa lang kasi, madami rin ako natutunan sa kanya.
Isang beses pala…nung araw na depress-depressan ako sa lablayp ko, nagkataon na siya lang ang takbuhan ko nun. Sorry siya, siya lang OL nung oras na yun eh. Pasalamat talaga sa availability niya kundi, naku na-buang na talaga ako nun. Wala lang ulet. Namimiss ko tuloy ung times na kung anu anong kanta ung shineshare niya sa akin. Lalo na yung isang kanta na pumatok sa takilya…. Sayawin ko daw un. Lol. Patawa din eh hehehe. Salamat sa kanya kasi nung mga oras na malungkot ako, may taong nagch-cheer up para sa akin. Salamat.
Nakakatuwa talaga siya. Wala lang. pero, mas matutuwa sana ako kung makikita ko siya. Kaso mr. anonymous ang drama ng taong ito eh. Di ko ba lam kung nagpapakyut lang oh ano. Mr. yoso ang dating. Hahaha. Lalo na nung ayaw niya ako iadd sa facebook! Ang damot. Hahahaha. Anu daw ba yun? Hahaha. Buti pa si Lola Techie, marunong magfacebook, siya hinde. O maang-maangan lang? hahaha
Di ko pa nakikita mukha niya, kras ko na siya. Eh panu pa kaya kung makita ko na peys niya? Baka lalo ko siyang maging kras! Yay! Pogi ba? Hindi ko alam eh. Malamang di ko pa siya nakikita. Pero feeling pogi siya. I mean, self proclaimed gwapo. Hahaha peace yow! Eh kasi naman sabi ko dati: “gandang gabi”. Reply ba naman sakin, “mas gwapo pa ako sa gabi”. Shaks! Tapos may isang PM siya sa akin sa YM. Sabi niya: “psssst. importante to.” Sabi ko naman, “ano?”. Ayun eto sabi niya: “ang pogi ko pala. Napakagwapo ko. Nuknukan ng wafu ako.” Aba! Feelingero! Pero natawa ako. Harharhar
Sa totoo lang, namimiss ko na siya. Matagal ko na siyang hindi naka-YM. Kasi naman, nung simula na maging busy ako para sa aking mga pangarap, nagkusa ata siya na wag muna ako kibuin. Siya mismo nagbilin na mag-aral ako mabuti at bawasan ang oras sa pagiinternet. Ewan ko kung nag-oonline pa siya oh imbisibol mode lang. pero naintindihan ko naman siya, gusto niya lang naman na mag-focus ako sa aking pagaaral. Salamat kasi concerned siya para sa mga pangarap ko. Isa siya sa nagboboost ng confidence ko. Kakayanin ko daw.
pero ngayong tapos na ako at nakamit ko na ang aking pinangarap, hanggang ngayon, wala padin siya. Syempre, siya din, may pangarap. Malamang, abala din siya ngayon para sa mga pangarap niyang iyon. Basta. Konti na lang, MD na siya. Pinagdadasal ko naman siya parati. Hehehe.
Teka. Andami ko na rin pala nasabi. Hindi ako sigurado kung mababasa niya to. Pero dinadasal ko rin na sana wag niya to mabasa hahaha. Mabubuking. Pero kung anu man yun uhmmmmm ang masasabi ko lang sa kras ko na ito, galingan mo po. Amishew na rin. Salamat. Salamat sa lahat. Balik ka na pls. miss ko na yung mga barubalan days natin. hekhekhek
I kras you. Oo I kras you nga. Bakit may angal? Kras lang naman eh. Hahaha. Yo CED!
nagmamahal,
Ismayli Cyrus














