Dear YOU,
Welcome at salamat sa pagdaan dito sa ikrasyu.net.
Para sa mga bagong bisita dito, ang ikrasyu.net ay isang blog kung saan pwede kang magpost ng blog entry tungkol sa crush mo na hindi nya nalalaman. Para sa mga blogger na tulad ko, normal lang siguro ang magkaroon ng crush sa kapwa blogger diba? Hindi mo mapipigilang humanga sa kanyang mga naisusulat at sa personalidad nyang pinapakita online. Dumarating ang panahon na gustuhin mo mang magpost ng entry tungkol sa kanya sa iyong personal blog ay hindi mo magawa. Bakit? Dahil takot kang malaman nya. Hassle. Dyahe.
Kaya naman naisipan kong gawin ang site na ito. Para sa mga blogger o kahit sinong nais ilabas ang nararamdaman habang pinapangalagaan ang tunay na pagkatao. Dito’y pwedeng-pwede mong ilahad lahat, na hindi naga-alala kung malalaman man nyang ikaw yun. Anonymous ka na, nakapagconfess ka pa sa crush mo. Win-win situation.
Wala kang ibang dapat gawin, kundi ang magregister gamit ang iyong personal e-mail address pagtapos nun ay pwede ka nang magpost. Wag mag-alala, dahil mapapalitan ito ng sarili mong ikrasyu.net email. Alam kong malabo pa sa’yo ito ngayon kaya bisitahin mo na lamang ang About at Join pages kung may tanong pa.
Ikrasyu.net. Ginawa ito para sa mga hopeless romantic, torpe, tameme, naghahanap ng kilig at inspirasyon, at syempre para sayo na naghahanap ng lugar kung saan malaya mong maipapahayag ang iyong tunay na nararamdaman.
Ano pang hinihintay mo, magregister ka na’t sabihin sa kanya na IKRASYU!
- Admin, ikrasyu.net














